Showbiz News

WATCH: Derrick Monasterio, nakapareha si Maxine Medina sa pagrampa

By Cherry Sun

Nag-enjoy si Derrick Monasterio sa pagrampa sa isang  fashion show lalo na at nakapareha niya si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina.
 
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, hindi pa rin daw masyado kumportable ang Mulawin VS Ravena star sa pagrampa dahil pakiramdam nito ay hindi pang-model ang kanyang dating kumpara sa professional models.
 
Paliwanag ni Derrick, “Mga model kasi dito mapapayat sila, sobrang lean so siguro ‘yun ‘yung kailangan kong i-work on sa sarili ko.”
 
Gayunpaman, natuwa siya sa kanyang ginawang pagrampa para sa ineendorsong clothing line nitong weekend dahil na rin sa tulong ni Maxine.
 
Aniya, “Sobrang gaan din niya ka-work kahit ‘yung mga small talks namin talagang alam kong ginagawa niya ‘yun para mapaganda ‘yung gagawin namin.”

Video courtesy of GMA News