Showbiz News

WATCH: Benjamin Alves, katambal si Maxine Medina sa 'Spirit of the Glass 2: The Haunted'

By Bea Rodriguez

May bagong leading lady si Kapuso star Benjamin Alves at walang iba kundi si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina. Magkatambal ang dalawa sa isang horror movie, ang 'Spirit of the Glass 2: The Haunted.'

 

Magkasintahan ang role ng dalawa na mayroong kaugnayan sa naliligaw na kaluluwa. Saad ng Kapuso leading man, “Kami pong magkakaibigan ang magbubukas sa storya ng mga flashback scenes po. Kami po ‘yung minumulto at kami rin po ‘yung tutulong sa multo.”multo.”

Kuwento ni Ben ay naging maayos na kaagad ang working relationship nila ng kanyang first-time leading lady, “Sa first [meeting], nag-workshop lang po kami [at] masaya na po [at] magaan na po. With Max, magaling naman talaga [siya at] very natural in acting. There’s a lot to expect from that.”

Ito rin daw ang nararamdaman ni Max sa Kapuso actor, “Start ng workshop namin, nag-usap na kami and magaan rin ‘yung loob ko sa kanya.”

Tapos na daw sa pageants ang dating beauty queen at excited siyang tahakin ang mundo ng showbiz. Nagpasalamat siya sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

Kasama rin sa pelikula sina Kapuso stars Ash Ortega, Enrico Cuenca at ang dating nakatambal ni Ben sa Dagsin na si Janine Gutierrez.Dagsin na si Janine Gutierrez.