Showbiz News

WATCH: Marian Rivera at Dingdong Dantes, iniisip muna si Baby Zia bago tumanggap ng project

By Gia Allana Soriano

Mala-fantaserye ang mga shows nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayon. Si Marian ay ang Tamawo slayer na si Minerva aka Super Ma'am, samantalang si Dingdong ay ang tagapagtanggol na si Alyas Robin Hood. Ito raw ay dahil mas pinipili na nila ang mga kid-friendly shows na puwedeng kapulutan ng aral ng mga kabataan at para rin daw ito sa anak nilang si Zia.


Paliwanag ni Marian, "Sa punto ko ngayon sa buhay ko, yes, definitely yes ['yung mga pinipili kong project is 'yung may mga mapupulot na aral ang mga bata]. Lahat ng ginagawa ko and gagawin ko iniisip ko if magiging magandang ehemplo ba ako, especially sa mga nanay bilang nanay na ako. Dahil ini-embrace ko talaga ang pagiging isang ina. So, isa ito sa mga advice ko talaga na pambata talaga siya. At kahit panoorin ng anak ko, puwede talaga siya [panoorin ni Zia]."

Dagdag naman ni Dingdong, "Lahat naman 'pag gumagawa tayo ng projects, gusto natin 'yung may mapupulot ang tao, lalo na ang mga kabataan. And sino pa ba ang pinakamahalaga para sa amin, lalo na sa panahon ngayon, kundi ang sarili naming anak. So, gusto namin balang araw 'pag napanood niya ito, marami siyang mapupulot dito, and marami siyang matutunan."

Panoorin ang full report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News