Showbiz News

Derrick Monasterio at Bea Binene, mas naging close pagkatapos ng 'Mulawin VS Ravena'

By Gia Allana Soriano

Kahit nagwakas na ang Mulawin VS Ravena, very close pa rin daw ang co-stars na sina Derrick Monasterio na gumanap bilang Almiro, at Bea Binene na gumanap naman bilang Anya.


Ani Derrick, "Kahit na tapos na 'yung show, 'pag nagkita kami close pa rin kami. So, masasabi ko na 'yung closeness namin, nasa peak na."

Bakasyon muna ang aktor ngayong kakatapos lang ng kanyang GMA Telebabad show. Kung tatanungin naman daw si Derrick, sa ngayon ay gusto niyang ma-try na mag-horror ulit.

Bumida noong 2011 ang aktor kasama sina Alden Richards, Barbie Forteza, Rhian Ramos, Carmina Villarroel, at iba sa horror movie na The Road.


Aniya, "Na-miss ko 'yung The Road dati. And 'yung first horror film ko, umabot siya ng Hollywood. So baka may suwerte ako sa horror. 

Panoorin ang full report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News