Showbiz News

Atom Araullo, ikinuwento ang dahilan kung bakit siya bumalik sa GMA Network

By Gia Allana Soriano

Nagbabalik Kapuso si Atom Araullo. Ang reporter ay unang nagsimula sa "tele-magazine television show for preteens" na 5 and Up, at isa siya sa mga field reporters ng 24 Oras kung saan may segment siya na tinatawag na Atomic Sports

Aniya, napili niya ang GMA News and Public Affairs dahil sa "makabuluhang istorya at dokumentaryo" na nagagawa ng Kapuso network.

Dagdag pa ni Atom, "Sa larangan ng journalism, gusto ko pa matuto. At sa palagay ko this is one the best place to learn new things about journalism. So, I'm really excited."

Dagdag pa niya, "Mahilig ako gumawa ng mga docu. Talagang alam ko naman na ang GMA napakahusay sa paggawa ng mga documentaries."

Ika naman ni Atty. Felipe L. Gozon, Chairman and CEO of GMA Network, "Dahil kilala ang GMA-7 sa paggawa ng world-class at award-winning documentary and public affairs program. Kami ay nalulugod sa paglipat ni Atom Araullo para lalo siyang mahasa sa pagiging magaling na broadcast journalist at documentarist among others."

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News