Showbiz News

Atom Araullo, magiging ika-limang host ng 'I-Witness'

By Gia Allana Soriano

Isa sa mga unang magiging proyekto ni Atom Araullo para sa GMA News and Public Affairs ay ang special documentary niya tungkol sa mga karagatan ng Pilipinas. 


Aniya, "Marami sa mga kababayan natin ang nabubuhay at namamatay sa karagatan. I-explore natin kung ano 'yung kinahaharap nilang mga issues, ano 'yung istado ng mga karagatan natin, at ano 'yung mga hinaharap nitong mga challenges."
 
Makakasama rin si Atom sa I-Witness bilang ika-limang host ng multi-awarded documentary show currently hosted by Kara David, Howie Severino, Jay Taruc at Sandra Aguinaldo.

Dagdag pa ni Atom, marami siyang hinahangaan na journalist from GMA, kasama rito ang mga hosts ng I-Witness, at ang dati niyang mentor sa 24 Oras

Aniya, "Si Sir Howie, si Kara David, Sir Mike. Hahangaan mo sila for many different reasons. 'Yung wealth of experience nila, malaking bagay na para sa mga baguhan pang journalist tulad ko."

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News