Showbiz News

Jose Manalo at Drew Arellano, wagi sa 7th EdukCircle Awards

By Al Kendrick Noguera

Pinangaralan ang Kapuso stars na sina Jose Manalo at Drew Arellano sa 7th EdukCircle Awards na ginanap ngayong araw, September 23, sa AFP Theater, Quezon City.

Nasungkit ni Jose ang Most Outstanding TV Personality in Comedy Award. Mapapanood ang komedyante sa Kapuso shows na Eat Bulaga, Sunday PinaSaya at sa bagong morning talk show na The Lolas' Beautiful Show na magsisimula ngayong Lunes, September 25.


Samantala, si Drew Arellano naman ang itinanghal na Best Educational Show Host. Regular na mapapanood si Drew sa kanyang travel show na Biyahe ni Drew at daily morning show na Unang Hirit.


Noong September 9 ay ginawaran din ng EdukCircle ang ilang GMA News and Public Affairs personalities.

Congratulations, mga Kapuso!