Showbiz News

WATCH: KC Montero, pinandigan ang pagtawag sa kanya na KC Concepcion

By Al Kendrick Noguera

Mahirap magkaroon ng kapangalan lalo na kung nasa isang industriya lamang kayo. 'Yan ang nangyayari kay KC Montero dahil mula noon pa raw ay tinatawag na siya ng mga tao na KC Concepcion.

Dahil hindi na mapigilan ni KC ang mga nagkakamaling tao, tinanggap at pinandigan niya na lamang na siya ang aktres na anak ng dating mag-asawang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Panoorin ang nakakaaliw na video ni KC nang makaharap niya ang umano'y ama ng aktres.


"People have called me @itskcconcepcion forever, now I finally get to work with her dad, Gabby. He says hi KC," saad ng Alyas Robin Hood star.