Showbiz News

MUST-SEE: Ara Mina at Aiko Melendez, nagkaayos na?

By Bea Rodriguez

Pagkatapos ng ilang taong alitan, nagkaayos na sina Kapuso star Ara Mina at Kapamilya actress Aiko Melendez.

Ayon sa Facebook post ng showbiz reporter na si Ogie Diaz, nagkita daw ang dalawa sa isang burol at nagkausap nang masinsinan.

 

Nag-post pa ang dalawang aktres sa kani-kanilang social media accounts ng kanilang naging pagkikita.

 

 

Matatandaang nasangkot sa isang issue ang dalawang aktres noong 2011 kasama ang boyfriend ni Ara na ex-boyfriend ni Aiko na si Bulacan mayor Patrick Meneses.

Naghiwalay din sina Ara at Patrick noong nakaraang taon ngunit nananatili silang magkaibigan para sa kanilang two-year-old daughter na si Amanda Gabrielle.