Showbiz News

Ivan Dorschner, gagawa ng isang mini documentary

By Gia Allana Soriano

Nasa pre-production na ang binabalak gawin ni Kapuso actor Ivan Dorschner na mini documentary na ipapalabas daw sa YouTube. Ikinuwento niya ito kay Nelson Canlas para sa 24 Oras kung tungkol saan ang kanyang bagong proyekto.

Aniya, "Gusto ko rin magbigay ng boses sa mga [trabahong kailangan ng] specialty [ang] ginagawa, specialty na mga jobs. Para malaman ng iba na: "Ah, ganun pala ginagawa nila, mahirap din pala, ma-technical din pala.""

 

 

Nag-celebrate rin si Ivan ng kanyang kaarawan last September 21, kaya naman sinupresa siya ng kanyang fans pagkatapos siyang interviewhin ng GMA news. Wish naman ng aktor sa kanyang birthday: "Basta marami pa tayong birthdays. I think ma-a-achieve na rin at ma-a-accomplish na rin natin [ang goals natin.] At [mas] magiging thankful [ako] sa lahat. Yun, ang pinaka-wish ko."

Panoorin ang full report ni Nelson Canlas:

Video from GMA News