Showbiz News

READ: Gabby Concepcion, sumagot na sa pahayag ni President Rodrigo Duterte

By Al Kendrick Noguera

Dahil sa hindi sinasadyang pagkabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Gabby Concepcion sa kanyang talumpati kamakailan lamang, naging usap-usapan kaagad ito online at umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens.

MUST-READ: Netizens, nag-react sa 'di sinasadyang pagkasali ni Gabby Concepcion sa isyung politika

Nang makarating ang balita kay Gabby, agad na nagbigay ng pahayag ang Kapuso actor sa pamamagitan ng Instagram.

Photo courtesy of @concepciongabby (IG)

"We all make mistakes. Thank you for watching Ika-6 Na Utos, Sir President," ni Gabby.

Photo courtesy of @concepciongabby (IG)

"LOL. Na-ospital bigla dahil sa mistaken identity," pagtukoy naman ni Gabby sa kalagayan ngayon ng character niyang si Rome sa highest-rating daytime drama show.