Showbiz News

Balik big screen si Paolo Ballesteros bilang si Barbi, 'The Wonder Beki'

By Gia Allana Soriano

Pagkatapos ng successful run ng Die Beautiful, balik big screen si Paolo Ballesteros bilang si Barbi, na una namang ginampanan ni Joey de Leon sa pelikulang The Wonder Beki noong 1990s.


Ikinuwento ni Paolo ang magiging difference ng new film niya at ng kanyang last award-winning movie. Aniya, "Siyempre kakatapos lang ng Die Beautiful, 'di ba? Eh, 'yung makeup ko doon parang normal lang na makeup. Kumbaga 'yung normal na face ko, tapos nilgyan ko ng makeup, ayun na."

Dagdag pa niya, "Ang inspiration ko sa makeup [ni Barbi] is parang manika."

Ano naman daw ang naging reaksiyon ni Joey de Leon dito?

Ika ng aktor, "Natuwa naman siya, actually kapag nagsho-shoot kami, parang nage-enjoy din siya."

Panoorin ang full report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News