Showbiz News

Kylie Verzosa, gusto maging leading man si Alden Richards kung sakaling mag-artista siya

By Gia Allana Soriano

Sa report ni Cata Tibayan, naikuwento ni Miss International 2016 Kylie Verzosa na handa rin daw siyang i-train si Bb. Pilipinas International Mariel de Leon para sa upcoming competition nito.


May advice pa nga si Kylie para sa dalaga, aniya: "Keep on doing what she's doing, study the Japanese culture more, what they like. Be very siguro gracious."

Ika pa niya para naman sa mga aspiring beauty queens, "Always train your mind, hindi lang siya beauty, eh. The way you talk, the way you think, the way you carry yourself."

Patapos na ang reign ni Miss International 2016 Kylie Verzosa. May balak din kayang pumasok si Kylie sa showbiz after ng kanyang term?


Paliwanag niya, "I'm open to it, and we may have plans, but to talk about pa."

Kung magkakaroon naman siya ng leading man, ang aktor na si Alden Richards ang unang naisip ng beauty queen. Ika niya, "I like Alden, I think he's a very good actor."

Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News