Showbiz News

'Strong Girl Bong Soon,' ipapalabas na ngayong October 4 sa GMA Heart of Asia!

By Gia Allana Soriano

Paparating na ang small but terrible, ngunit super cute at palaban na si Strong Girl Bong Soon

 

 

Si Bong Soon (Park Bo Young) ay isang dalagang nagmana ng superhuman strength mula sa kaniyang ina na nakuha pa nito sa lola ng lola ng lola nila. Nung una ay nag-aalangan pa si Bong Soon na gamitin itong "gift" niya, pero unti-unti ring matatanggap ng ating may pagka pilyang bida ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya upang tulungan ang mga nangangailangan.

Isa sa mga tumulong kay Bong Soon ay si Mikael Ahn (Park Hyung Sik), ang CEO ng gaming company called Ainsoft. Habang tini-train ni Mikael si Bong Soon na mas ma-control ang kanyang superpowers, nagiging karamay at katuwang na rin niya ang dapat ay bodyguard turned employee turned love interest ng makulit, guwapo, at very protective na CEO. 

Naging dahilan upang itago ni Bong Soon ang kanyang kapangyarihan dahil na rin sa high school crush niyang si Kenny In (Ji Soo), na tila mahilig daw sa mga babaeng mahinhin at fragile na para bang isang bulalak. After graduation ay naging pulis si Kenny na ginawang goal ang paghuli sa isang serial kidnapper na tina-target ang mga magaganda at slim na mga dalaga. 

Sa likod ni Kenny ay tutulong si Bong Soon sa paghuli sa kidnapper, hihingi rin siya ng tulong kay CEO Mikael na may sariling stalker din. 

Mahuli kaya nila ang kidnapper? Sino nga ba ang stalker ni Mikael? Paano na si Kenny 'pag naging close na si Bong Soon at Mikael?

Sa huli sino nga ba ang pipiliin ni Bong Soon, ang first love niya o ang lalaking first love siya? 

Abangan sa Strong Girl Bong Soon pagkatapos ng My Korean Jagiya this October 4 na!