Showbiz News

Gabby Concepcion pinarangalan bilang Best Actor in a TV Series sa 7th EdukCircle Awards

By Gia Allana Soriano

Pinarangalan ngayong araw na ito, September 30 si Gabby Concepcion sa 7th EdukCircle Awards na ginanap sa UP Theater sa Unibersidad ng Pilipinas.

Nasungkit ni Gabby ang Best Actor in a TV Series award para sa Ika-6 na Utos. Nagpasalamat ang Kapuso actor sa kanyang Instagram account. Aniya, "My success is because of you. My failure is my own doing. Thanks for all your support mom I dedicate this honor to everyone in GMA and especially my family sa #ika6nautos."


Matatandaan na kamakailan lang ay nanalo rin ang Kapuso actor ng Asian Star Prize sa 12th Seoul International Drama Awards sa South Korea para rin sa naturang Afternoon Prime series.

READ: Jose Manalo at Drew Arellano, wagi sa 7th EdukCircle Awards

Congratulations, Gabby!