Showbiz News

Janno Gibbs at Manilyn Reynes, muling nagsama para sa 'Spotlight Music Sessions'

By Marah Ruiz

Good news para sa fans ng '80s love team nina Janno Gibbs at Manilyn Reynes!

Muling magsasama ang dalawa para sa Spotlight Music Sessions, isang bagong online music program.

Aawitin ng dalawa ang "My Jagiya," ang official theme song ng GMA Telebabad series na My Korean Jagiya.

Orihinal itong kinanta ni Janno kasama si Kapuso singer and actress Denise Barbacena.


Abangan ang full video ng kanilang version ng awit sa October 10. 

Bukod kina Janno at Mane, mapapanood din ang performances ng iba pang OPM artists tulad nina Abra at Rita Daniela sa launch ng Spotlight Music Sessions sa October 10.