Showbiz News

WATCH: Gabbi Garcia dadayo sa Hong Kong para i-shoot ang music video ng first single

By Aedrianne Acar

Ipapamalas na ni Gabbi Garcia ang husay niya sa pagkanta dahil malapit na i-release ang kaniyang single na siya mismo ang nag-sulat at nag-produce.

Bigatin din ang kasama niya sa proyektong ito dahil co-producer at co-writer niya ang nag-iisang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.

Paliwanag ng Kapuso star, “Super fulfilling for me to have accomplished this type of area in my job, kasi ever since I really wanted to enter the music world and mas special ito sa akin kasi it’s self-produced.”

Bongga din ang magiging shoot ng music video nang single niya dahil gagawin ito sa Hong Kong.

Kuwento ng Kapuso singer, “The song kasi is very special for me and traveling din is one of the identity of Gabbi.”

Meant To Beh

May handog din ang GabRu na Christmas gift para sa kanilang loyal fans dahil kasama sila sa Metro Manila Film Festival entry ni Bossing Vic Sotto sa Disyembre na ‘Meant To Beh.’

Ayon kay Ruru Madrid, nakakataba daw ng puso na todo pa rin ang suporta ng GabRu fans sa kanilang kahit may seprate projects silang dalawa.

Ani Ruru, “Nakakagulat rito kasi like kahit na hindi kami madalas magsama ni Gabbi ganun pa rin sila, ‘yung pagmamahal nila sa amin hindi nagbabago.”

“It became stronger pa nga eh cause they were really curious about what we are doing na magkahiwalay kami or when we together, so treat talaga ito for the GabRu fans,” dagdag ni Gabbi.