Showbiz News

Jak Roberto hailed as most promising male star for TV in ALTA Media Icon Awards 2017

By Marah Ruiz

Isang parangal ang natanggap ni Kapuso hunk Jak Roberto ngayong araw, October 6.

Hinirang siyang Most Promising Male Star For TV sa ALTA Media Icon Awards 2017. 

 

Lubos naman ang pasasalamat ni Jak sa mga guro at estudyanteng bumoto para sa kanya.

 

Inilunsad noong 2015, ang ALTA Media Icon Awards ay taunang parangal ng mga mag-aaral ng kursong AB Communication ng University of Perpetual Help System DALTA - Las Piñas Campus.