Showbiz News

READ: Kristoffer Martin pumalag sa basher na idinadawit ang kaniyang ina sa kontrobersiya ng isang love team

By Aedrianne Acar

Hindi napigilan ng Kapuso heartthrob na si Kristoffer Martin na maglabas ng sama ng loob sa Twitter matapos gawan sila ng isyu ng kaniyang ina.

READ: Kristoffer Martin fanboys over Maine Mendoza

Sunod-sunod ang tweets ng Super Ma’am star na pilit inuugnay siya at kaniyang magulang sa kontrobersiya na kinakaharap ng isang sikat na love team.

Sobra ring na-shock ang Kapuso actor na may gumawa ng fake Twitter account na diumano’y ginagamit ng kaniyang ina.

Ito ang sunod-sunod na post ni Kristoffer patungkol sa isyu na ito:

Photo by: kristoffermartin_(IG)