Showbiz News

EXCLUSIVE: Jak Roberto, never naisip lumipat ng network

By Aedrianne Acar

Patience is a virtue.

Magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto, most promising stars sa 3rd Alta Media Icon Awards

Ito ang pinatunayan ng isa sa mga most in demand na actor sa bakuran ng GMA Network na si Jak Roberto.

Una siyang nakilala sa programa ng yumaong si German ‘Kuya Germs’ Moreno na Walang Tulugan. Napanood din siya sa iba pang Kapuso serye at gumanap ng supporting role tulad na lang ng With A Smile, Hanggang Makita Kang Muli at The Half Sisters.

Kung tutusin matagal ang hinintay ni Jak bago siya finally nabigyan ng big break at maging isa sa mga bida sa primetime series na Meant To Be nitong 2017.

Kuwento ni Jak sa exclusive interview ng sa GMANetwork.com, tiyagang maghintay ang naging susi niya sa tagumpay para sa inaasam-asam niyang big break.

“Sabi ko nga talagang patience din talaga. Kasi darating at darating ‘yung araw na ibibigay din sa iyo ‘yung break na hinihintay mo. Kumbaga just do good, feel good, and mahalin mo lang trabaho mo. Darating at darating 'yan [break] ‘eh.”

Diretsahan din naming tinanong ang guwapong aktor kung hindi ba niya naiisip na lumipat ng network kahit hindi pa siya nabibigyan ng lead role?

Tugon niya, “Hindi naman, hindi naman. Kasi kumbaga sayang naman basta maging consistent lang ‘yung trabaho and may binibigay sa akin na trabaho okay ako dun.”

Binigyan diin din ni Jak na nasa kamay ng isang tao kung magiging successful siya sa pinili niyang career. Sa halip daw na malungkot na hindi pa niya nakukuha ang kaniyang big break ay mag-focus muna kung paano mai-improve ang sarili.

Paliwanag ng Kapuso actor, “Actually ikaw din talaga ‘yung gagawa nung ikakataas ng career mo. Kumbaga during that time nung hindi pa ako binibigyan ng break, pini-prepare ko lang sarili ko. Workout, ano pa ‘yung mga skills na kailangan kong i-improve - acting, dancing, singing. So, tuloy-tuloy ‘yung workshop, tuloy-tuloy ‘yung workout. So wala tayong excuses kumbaga.”

At produkto ng hardwork ni Jak ang award na natanggap niya kamakailan sa 3rd Alta Media Icon Awards ng University of Perpetual Help.

Double celebration ito dahil itinanghal sila ng kaniyang kapatid na si Sanya Lopez bilang Most Promising Male and Female Star for TV.

“Nung binigyan kami nung invitation nun sobrang sarap sa pakiramdam nare-recognize na ‘yung kami na promising male actor at si Sanya naman promising female actor. Sobrang saya na ‘yun ‘yung nagiging inspirasyon namin para pagbutihan pa ‘yung trabaho namin,” ani Jak.