Showbiz News

'Ika-6 Na Utos' star Arianne Bautista, naranasang maging double ni Toni Gonzaga

By Al Kendrick Noguera

Hindi maipagkakaila na kamukha ni Kapuso actress Arianne Bautista ang former Eat Bulaga host na si Toni Gonzaga. Kaya naman sa kanyang interview sa Tunay Na Buhay, ikinuwento niya kay Rhea Santos kung paano siya natulungan ng pagiging hawig niya sa actress-host sa pagpasok sa industriya.

Tulad ni Toni, nagsimula rin sa TV commercial si Arianne. Ayon sa kanya, lalong dumami ang kanyang projects mula nang mapansin na kahawig niya si Toni. "Kapag Toni Gonzaga 'yung peg, 'yung casters, tinatawagan talaga nila ako. Aside sa fact na medyo hawig ko raw po siya, at the same time, willing din akong maglukot ng mukha," paliwanag ni Arianne.

Kuwento pa ni Arianne, nagkaroon na rin siya ng pagkakataong makatrabaho si Toni noon. Aniya, "Na-meet ko na po siya before. Nakakasama ko po siya. 'Oh kamukha nga kita,' [sabi niya]. Agree naman po siya. Tapos even sa height, [pareho kami]. Actually po, dati nagdo-double pa po ako sa kanya."

Dagdag pa ni Arianne, hindi niya inakala na magiging artista siya dahil ang kanyang pangarap ay maging isang piloto. "Hindi ko po talaga inisip na mag-aartista [ako]. As in hindi ko [ma-imagine] na mapapanood ko 'yung sarili ko sa TV," paliwanag niya.

Ngayon ay isa ng Kapuso star si Arianne at napapanood siya sa highest-rating daytime drama show na Ika-6 Na Utos bilang si Selma, ang kaibigan ng character ni Ryza Cenon na si Georgia.

Panoorin ang kabuuan ng Tunay Na Buhay interview ni Arianne.