Showbiz News

WATCH: The full trailer of Jerald Napoles and Valeen Montenegro's 'The Write Moment'

By Marah Ruiz

Lumabas na ang full trailer ng pelikulang 'The Write Moment' na pagbibidahan ng Kapuso comedians na sina Jerald Napoles at Valeen Montenegro.

Tampok dito si Jerald bilang Dave, isang scriptwriter habang si Valeen naman ay si Joyce, ang kanyang ex-girlfriend. 

Gagamitin ni Dave na inspirasyon sa bago niyang script ang paghihiwalay nila ni Joyce, pero mapapansin niyang anumang isulat niya dito ay nagkakatotoo. 

Isa ito sa mga entries para sa QCinema International Film Festival ngayong taon. Isinulat ito at indinehe ni Dominic Lim. Mapapanood ito simula October 20 sa ilang piling sinehan sa bansa. 

Panoorin ang full trailer ng 'The Write Moment':

 

Mapapanood niyo ang 'The Write Moment' simula October 20.