Showbiz News

READ: Kapamilya talent Angelica Panganiban promotes concert of talented Kapuso star

By Aedrianne Acar

Labis ang tuwa ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na matutupad na ng kaniyang matalik na kaibiga na si Glaiza de Castro na magkaroon ng solo concert.

Sa darating na October 27, magtatanghal ang Encantadia star sa Music Museum para sa kaniyang Kun[g]diman concert.

Todo ang suporta ni Angelica sa Kapuso star na inanyayahan pa ang kaniyang mga Instagram followers na manood ng concert nito.

Aniya, “Noong mas bata pa kami, mahilig na kami mag imbento ng lyrics at pag tripan ang mga salita. May mga salita na kami lang ang nakaka intindi. At tawang tawa na kami dun. Hanggang ngayon naman, walang nagbago.

“Nagkaron pa kami ng pagkakataon na mas maging makabuluhan ang mga ito. Umabot sa isang kanta, isa, dalawang album, isa at pangalawa pa uling konsyerto.”

Hindi rin daw dapat palagpasin ng mga tao ang pagtatanghal na ito dahil mapapakinggan din daw ang ilan sa mga kanta na kaniyang isinulat.

“Ang pangarap na natutupad ng isang tropa, ay pangarap mo ding naaabot. May ilang musika akong naisulat na maari ninyong masaksihan sa araw na ito. Sa 10/27/17 sasamahan kayo ni @glaizaredux sa isang gabi na puno ng musika at pag asa mabuhay ang musika.. mabuhay ang pag ibig.”


Taos-puso naman ang pasasalamat ni Glaiza sa mainit na suporta ni Angelica.

 

 


IN PHOTOS: Glaiza de Castro's Nepal and Bhutan travel diary with Angelica Panganiban