Showbiz News

LOOK: ADN Festival 2017, dinumog ng AlDub fans!

By Catherine Doña

Bukod sa kanilang matagumpay na first telemovie na 'Love is...', may isa pang dahilan upang magpasalamat sina Alden Richards at Maine Mendoza ngayong linggo.

Dinumog ng AlDub fans mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas at ibang bansa ang ADN Festival 2017 na ginanap ngayong araw, October 22 sa SMX Convention Center sa Pasay City.

 

Hosted by Mama Belle and Papa Dudut ng Barangay LSFM, ang ADN Festival ay napuno ng kainan, kantahan at sayawan. 

 

At siyempre, nagpakilig nang husto ang AlDub.

 

Naroon din ang mga magulang nina Alden at Maine para suportahan ang dalawa.

 

Nag-trend ang hashtag na #ADNFestival2017 sa Twitter Philippines. 

 

Congratulations AlDub Nation sa inyong matagumpay na selebrasyon.