Showbiz News

WATCH: Solenn Heussaff, ido-donate ang kita ng art exhibit sa mga batang kalye ng Bacolod

By Bea Rodriguez

Successful at sold out ang Kalsada paintings ni Kapuso It Girl Solenn Heussaff at ng kanyang three-year-old nephew na si Kaeden.

Inspirasyon ng nasabing art exhibit ang mga nakikita ng aktres araw-araw, lalo na ang mga taong nasa kalsada. “There’s a lot of expressive people on it. I mean, it’s the reality of things din that you see all the time on the streets,” saad ni Solenn.

 

Malaki ang impluwensiya ng mga batang kalye sa pagbuo ng Kapuso actress ng kanyang mga obra kaya parte sa kanyang kita ay ido-donate niya sa mga batang kalye ng Bacolod sa pamamagitan ng Kalipay Negrense Foundation.

“The people I see every day kasi they’re the ones who inspire me. I mean, even though I don’t get to know them personally, I really use their emotions or the way they react,” bahagi ni Solenn sa panayam ni Cata Tibayan sa Balitanghali.