WATCH: Migo Adecer performs Vance Joy's 'Riptide'
Published On: October 24, 2017, 06:19 PM
Updated On: October 24, 2017, 06:30 PM
Ipinamalas ni Kapuso cutie Migo Adecer ang kanyang husay sa pagkanta pati na ang pagtugtog ng gitara sa pinakabagong webisode ng online music program na Spotlight Music Sessions.
Isang cover ng kantang "Riptide" ang inawit ni Migo. Orihinal itong kanta ng Australian singer-songwriter na si Vance Joy.
Panoorin ang performance ni Migo para sa Spotlight Music Sessions.
Kamakailan, inanunsyo na si Migo bilang isa sa leading men ng upcoming GMA Telebabad series na The One That Got Away. Makakasama niya rito sina Dennis Trillo, Lovi Poe, Rhian Ramos, Max Collins, Jason Abalos at Ivan Dorschner.