Showbiz News

WATCH: Regine Velasquez, puring-puri nina Aicelle Santos at Julie Anne San Jose

By Bea Rodriguez

Pina-wow ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang fans at celebrities na nanuod ng kanyang two-day 30th anniversary concert na R 3.0 noong Sabado (October 21) at Linggo (October 22) sa Mall of Asia Arena.

 

Ang mga kasama niyang nagtanghal sa entablado na sina Traffic Diva Aicelle Santos at Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose ay hangang-hanga sa nag-iisang Asia’s Songbird.

“What I’m feeling right now is very thankful, blessed, and honored again to share the stage with Ate kasi nag-umpisa ako sa kanya eh, sa Pinoy Pop Superstar,” saad ni Aicelle na siyang Runner-up sa second season ng reality talent search noong 2005 hosted by Ate Reg.

Naging inspirasyon naman ni Julie Anne ang beteranang mang-aawit noong sumali siya sa singing talent show na Popstar Kids noong 2005 rin.

“[Ang] ultimate idol po ng lahat ng tao [ay] si Ate Reg eh, and ever since na nagsimula po akong kumanta, siya na po palaging pinapakinggan ko,” bahagi ni Asia’s Pop Sweetheart sa panayam ni Cata Tibayan sa Balitanghali.