Showbiz News

MUST-WATCH: Wyn Marquez's kabogera dance moves sa isang TV show sa Bolivia!

By Bea Rodriguez

Stand out ang pambato ng Pilipinas na si Teresita Ssen “Wyn” Marquez sa Reina Hispanoamericana 2017 pre-pageant activities sa Santa Cruz, Bolivia.

Busy si Miss Filipinas sa kanyang photo shoots at TV guestings bago ang naturang beauty pageant sa November 4 (Sabado) sa Siriono dela Feria Exposicion.

 

Nagpakitang gilas din ang Pinay beauty ng kanyang dance moves sa isang TV show. Ito ang sayaw na kanyang itinanghal sa Miss World Philippines Charity Gala Night kung saan nagwagi siya bilang Best in Talent.