Showbiz News

WATCH: Jennylyn Mercado, makakatambal muli si Derek Ramsay para sa isang movie entry sa MMFF

By Gia Allana Soriano

Makakasama muli ni Jennylyn Mercado ang kanyang English, Only Please leading man na si Derek Ramsay sa upcoming movie entry niya sa MMFF 2017.

Aniya, sexy romantic drama ang pelikulang ginagawa nila, ang All of Me. Kuwento ni Jen, "Feeling ko lahat ng tao makaka-relate. Movie siya na pinapakita ang pinagdadaanan ng isang relasyon, mula sa dating hanggang sa boyfriend-girlfriend relationship, hanggang sa magpapakasal."


Masaya naman si Jen na nakatrabaho niya muli si Derek. Ika niya, "Parang hindi pa rin siya tumatanda. 'Tsaka, ano, ganun pa rin siya very professional. Masaya kasama. Masaya 'yung set."

Panoorin ang full report ni Cata Tibayan sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News