Showbiz News

READ: Maine Mendoza may mensahe sa mga fans na pumila ng maaga para sa book launch ng 'Yup, I Am That Girl'

By Aedrianne Acar

Ramdam ng AlDub superstar na si Maine Mendoza ang mainit na pagmamahal at suporta ng kaniyang mga fans para sa grand book launch niya ngayong araw, October 26.

#PAWER: International authors support Maine Mendoza's book launch

Isang big event ang gaganapin sa Trinoma Activity Center sa Quezon City para sa kaniyang ‘Yup I Am That Girl’ book.

Matatandaan na noong October 18, nag-anunsiyo ang National Book Store na agad na naubos ang kopya nila ng libro ni Maine sa tatlong branches nila sa loob lamang ng apat na oras.

READ: Maine Mendoza's book sold out in less than four hours

Nag-tweet pa nga si Menggay para sa mga tao na maaga pa lang ay nakapila na para makakuha ng limited slot sa book launch na ito.Heto naman ang ilang paalala para sa mga taong dadagsa sa book launch niya ngayong Huwebes ng hapon.