Showbiz News

Mommy Guapa at anak na si Hubert ni Isabel Granada, lilipad papuntang Qatar

By Gia Allana Soriano

Pupuntang Doha, Qatar kung saan naka-confine ang aktres na si Isabel Granda ang kanyang inang si Mommy Guapa at ang 14-year-old son niyang si Hubert Thomas Jericho Granada Aguas, na anak niya sa kay Geryk Genasky Aguas.

Humahagulgol at nagmamakaawa ang ina ni Isabel habang ininterview, hiling nito na patuloy sana ang mga dasal na ibigay sa kanyang anak na nawalan ng malay dahil sa brain aneurysm.

WATCH: Isabel Granada, stable na ang kondisyon pero comatose pa rin

Aniya, "Hindi ko kaya. Hindi ko kaya talaga. Ituloy niyo ang pagdadasal sa anak ko. [Na] mabuhay siya. [Na] magising siya. Nagmamakaawa ako. Nagmamakaawa ako."

Kuwento pa ng kanyang ina, naka-chat pa nga niya ang anak bago ito mangyari. Ika niya, "Parang cartoons, ganyan. Isang sticker. Naka-open ang kamay. Parang [kasing] lawak ng pagmamahal [niya] sa amin ['yung pagkabukas ng kamay ng sticker na sinend niya.]" 

Labis din ang pagdaramdam ng kanyang anak na Hubert. Ani ng kanyang panganay, "Yayakapin ko po siya, hahawakan ko po 'yung kamay niya. Tapos [hihingi po ako ng] tawad na hindi ko po siya masyado nakakausap."

Panoorin ang full report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:

Video from GMA News