Showbiz News

MUST-READ: Dingdong Dantes, ipinagtanggol si Marian Rivera mula sa isang mapanirang article

By Michelle Caligan

Hindi pinalagpas ni Dingdong Dantes ang isang article tungkol sa pagiging problema sa set ng kanyang asawang si Marian Rivera. Una nang dinepensahan si Kapuso Primetime Queen ng kanyang Super Ma'am co-star na si Shyr Valdez.

READ: 'Super Ma'am' star Shyr Valdez, dinipensahan si Marian Rivera

Isang mahabang Facebook post ang ginawa ni Dong para sa sumulat ng naturang article na si Ronnie Carrasco.

Aniya, walang katotohanan ang sinasabi ni Ronnie dahil pinatunayan na ito ng mga katrabaho ni Marian sa Super Ma'am. Pinatawad na niya ang writer pero dismayado ang Alyas Robin Hood actor dahil lantaran nitong iniinsulto ang kanyang asawa sa iba pang articles.

Narito ang pahayag ni Dong: