Showbiz News

'Buong Pusong MaGMAhalan Ngayong Pasko,' mapapanood na mamayang gabi!

By Michelle Caligan

 

 

Mga Kapuso, nabitin ba kayo sa lyric video ng 'MaGMAhalan Nang Buong-Puso?' Huwag mag-alala dahil mamayang gabi ay mapapanood na ang GMA Christmas Station ID na 'Buong Pusong MaGMAhalan Ngayong Pasko!'

WATCH: GMA Christmas Lyric Video 2017

Ngayong taon, layunin ng GMA na ibahagi ang mensahe na kahit gaano kalaki o kaliit man ang pagtulong na ginagawa natin, may halaga ito lalo na kung galing ito sa puso. 

Kinunan sa iba't ibang bahagi ng bansa at abroad, panoorin ang mga heartwarming at touching na eksena na magpapakita ng tunay na saya na naramdaman ng mga sinorpresa ng ating Kapuso stars.

Abangan ang inyong paboritong TV personalities at kung paano nila binigyang-saya sa iba’t ibang paraan ang ilan sa ating mga kababayan ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Huwag palampasin ang 'Buong Pusong MaGMAhalan Ngayong Pasko' mamaya na pagkatapos ng Super Ma’am.