Showbiz News

Ken Chan at Barbie Forteza, mixed emotions sa red carpet premiere ng 'This Time I'll Be Sweeter'

By Gia Allana Soriano

 

Sa red carpet premiere night para sa This Time I'll Be Sweeter, naikuwento ni Ken Chan at Barbie Forteza kung gaano sila ka-excited ngayong malapit na ang nationwide premiere ng pelikula nila sa November 8.

Ani ni Barbie, "Sobrang excited kami, obviously naghanda po talaga kami. So, worth it talaga lahat ng pagod namin [sa mall shows and TV guestings,] kasi talaga namang nahakot talaga lahat ng tao. So, very thankful kami sa lahat ng sumusuporta sa This Time I'll Be Sweeter."

Dagdag naman ni Ken,  "Excited na kinakabahan na masaya. Mixed emotions talaga. Lalo na malapit na ang showing ng movie. 'Yun 'yung nakakakaba. Palapit ng papalapit 'yung showing ng movie pero at the same time masaya po. Kasi 'yung mga fans po, araw-araw po ginagawa kaming trending sa social media. Kaya sobrang nagpapasalamat kami sa kanila dahil sila 'yung nagpapalakas ng loob namin."

 

Makakasama nina Barbie at Ken ang kanilang fellow Kapuso stars na sina Thea Tolentino, Kim Rodriguez, at Hiro Peralta sa nasabing pelikula.