Showbiz News

#PRECIOUS: A first look at Vic Sotto and Pauleen Luna's baby girl

By Aedrianne Acar

Kinumpirma kahapon, November 6, ni Bossing Vic Sotto sa Eat Bulaga na nanganak na ang kanyang asawa na si Pauleen Luna.

JUST IN: Vic Sotto confirms wife Pauleen Luna has already given birth

Proud na nagkuwento si Vic na napakakulit daw ng kanilang baby girl. Aniya, “Ayun, pag-alis ko ng ospital, lumulundag-lundag pa rin.”

Ipinasilip naman ng nanay ni Pauleen na si Chat Luna at Dabarkad na si Ruby Rodriguez sa Instagram ang first photos ng prinsesa ng BosLeng.

 

Nagpahatid naman ng pagbati si Ruby sa Eat Bulaga power couple para sa kanilang new bundle of joy. “May pa-peek-a-boo si Baby T. Just love the smell of babies. Orlog nang orlog! First karga ko jinutotan agad ako. Anak ka nga ng nanay at tatay mo! Love you baby. Congratulations to my BFF @pauleenlunasotto and bossing! Motherhood becomes you,” saad ni Ruby.

 

Matatandaan na tumayong Matron of Honor ni Pauleen Luna si Ruby sa kanyang kasal noong 2016.