Showbiz News

WATCH: Valeen Montenegro, mastermind sa birthday prank ng 'Sunday PinaSaya' kay Aiai Delas Alas

By Bea Rodriguez

Na-stress, nagulat, naiyak si Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas sa birthday surprise ng kanyang Sunday PinaSaya family.
 
Prank pala ang “away” nina Pekto Nacua at Lovely Abella na ginatungan ni Aiai sa rehearsal ng number one Sunday noontime show noong Sabado (November 4).
 
Ang co-star nilang si Valeen Montenegro daw ang may pakana ng birthday prank ng Comedy Queen.
 
Kwento niya sa panayam ni Lhar Santiago sa Balitanghali, “Nakapag-sorry na rin po ako sa kanya. Nag-enjoy naman siya. Nakaka-touch din ‘yung sinabi niya na first time daw niya ever in her life na ma-surprise ng ganun.”
 
Lahat ng cast at staff ng Sunday PinaSaya ay nakibahagi sa birthday surprise ni Aiai kaya hindi napigilan ng aktres na maging emosyonal.
 
“Gulat na gulat tapos naiiyak ako. Ang happy-happy ko kasi parang love na love nila ako. Ito ‘yung show na talagang mahal na mahal ko,” pagtatapos ni Aiai na 53 na ngayong Sabado (November 11).