Showbiz News

Christopher de Leon at Sandy Andolong, nasa Japan na para suportahan ang anak na si Mariel sa Miss International 2017 competition

By Jansen Ramos

Dumating na sa Japan kahapon sina Christopher de Leon at Sandy Andolong para suportahan ang anak na si Mariel de Leon sa 57th Miss International competition.

 

Inaasahan ng primyadong aktor na magkaroon ng back-to-back-to-back win ang Pilipinas sa beauty pageant scene. Hangang-hanga din siya sa kanyang anak dahil sa dedikasyong ibinibigay nito para sa kompetisyon.

"I don't know kung paano 'ko nagkaroon ng anak na gano'n. She looks amazingly beautiful now, especially. Thank God, merong mga tumulong sa kanya, sa mga outfits n'ya. And she's doing very well, she's enjoying Japan, she loves Japan. We always tell her to pray, pray and pray because the competition is a little too tiring, 'di ba. So, she needs the energy. They only sleep for three to four hours a day."

Gaganapin ang Miss International 2017 sa November 14 sa Tokyo, Japan.