Showbiz News

WATCH: Alden Richards, taos puso ang pasasalamat sa parangal mula sa 31st PMPC Star Awards

By Gia Soriano

Kinilala ang husay at talento ni Pambansang Bae Alden Richards sa ginanap na 31st PMPC Star Awards sa Ateneo de Manila University.

Gumanap ang aktor sa Lenten special ng Eat Bulaga titled "Kapatid." Pinarangalan si Alden dahil sa kanyang angking galing sa pagarte, kaya naiuwi ng Kapuso star ang Best Single Performance By An Actor award. 

 

Sa kanyang interview sa 24 Oras, nagpasalamat si Alden sa parangal na natanggap. Aniya, "Very thankful po ako sa PMPC and sa Eat Bulaga po for the opportunity, and nakakataba po ng puso na na-recognize po 'yung pag-portray ko ng role na 'yun sa Kapatid ng EB (Eat Bulaga) Lenten Special."

 

Congratulations, Kapuso!

Full list of winners here:

READ: GMA shows and stars recognized in 31st Star Awards 

Panoorin ang buong report sa 24 Oras:

Video from GMA News