Showbiz News

WATCH: JoWaPao, nahirapan daw sa fight scenes sa kanilang bagong pelikula

By Marah Ruiz

Next week na ipapalabas ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies—pelikulang pagbibidahan ng mga phenomenal na Lolas ng Kalye-serye. 

"Medyo maraming mahihirap na eksena. Nandoon 'yung may mga takbuhan at habang tumatakbo ka, nakatali ka," bahagi ni Wally Bayola na lalabas bilang Lola Nidora.

Sa kuwento kasi, magkakaroon ng isang zombie apocalypse at kailangan protektahan ng mga lola ang kanilang apo sa tuhod na si Charmaine. 

"Mahirap 'yung mga fight scene na ginawa namin saka 'yung mga drama namin. May drama ito ah," ayon naman kay Jose Manalo na gaganap bilang Lola Tinidora. 

Bilang mga lola, hindi mawawala ang kanilang magkaka-ternong damit, makeup at iba pang gayak. 

"Siyempre kailangan i-maintain pa namin 'yung mga beauty namin bilang mga lola," biro ni Paolo Ballesteros na gaganap bilang Lola Tidora.

Bukod kina Jose, Wally at Paolo, tampok din sa pelikula sina Ryzza Mae Dizon, Caprice Cayetano, Taki Saito, Kenneth Medrano, Shaira Mae dela cruz at Miggy Tolentino. 

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: