Showbiz News

WATCH: Aiai delas Alas will make you believe in forever

By Bea Rodriguez


Itataas at iwawagayway ni Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas ang bandera ng “love is forever.” Papanindigan at papatunayan ito ng Kapuso comedian dahil nahanap na niya ang kanyang darling.

“Hindi ko sila ife-fail na talagang love is forever in God’s perfect time and in God’s plan, makikita mo talaga ang forever na iyan. Hindi ako bibitaw at papaniwalain ko ‘yung iba na meron talagang forever,” kuwento ng happily in love bride-to-be sa kanyang bridal shower na hinanda ng kanyang “kambal” na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Masaya si Yan-Yan sa magiging happily ever after ng kanyang BFF, “Ang pinakaimportante [ay ang] after the wedding which is alam kong magiging masaya siya.”

Naroroon rin sa spa-rty si Concert Queen Pops Fernandez na suportado sa love life ng kanyang malapit na kaibigan. Saad niya sa Balitanghali, “Alam mo si Partner [ay] napaka-hardworking niya. Madami rin siyang tinutulungan so gusto ko happy siya, and I know naman that she is happy.”

Nakatakdang ikasal ang Kapuso star sa kanyang fiancé at long-time boyfriend na si Gerald Sibayan sa December 12.