Showbiz News

WATCH: Reina Hispanoamericana 2017 Wyn Marquez, nag-motorcade sa Parañaque City

By Bea Rodriguez

Mainit na tinanggap sa kanyang hometown sa Parañaque City habang nag-iikot sa lungsod si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez kaninang umaga (Nov. 20).

Inorganisa ng city government ng Parañaque ang motorcade bilang homecoming at pagpaparangal sa Kapuso star sa kanyang panalo sa Bolivia-based beauty pageant. Hinandugan ng plaka si Wyn sa seremonya na nagtagal ng tatlong oras.

Dinaluhan ito ng ama at ina ng Pinay beauty na sina Joey Marquez at Alma Moreno kasama ang kanyang mga kapatid.

Sunod-sunod naman ang TV guestings ng Kapuso actress bilang bahagi ng kanyang homecoming at pagdadala parangal sa buong Pilipinas.