Showbiz News

LOOK: Maine Mendoza, todo suporta sa JoWaPao sa premiere night ng 'Trip Ubusan'

By Aedrianne Acar

Hindi pinaglagpas ng AlDub phenomenal star na si Maine Mendoza ang grand premiere night ng pelikula nila Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros na ‘Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies' na ginanap sa SM Megamall, kagabi, November 20.

 

Sa Twitter account ng Dubsmash Queen ay inanyayahan niya ang lahat na suportahan ang pelikula ng mga Kalyerserye lola na mapapanood sa darating na November 22.

May isa pang video na na nakunan na todo busy sa pagkuha ng litrato si Menggay sa JoWaPao.

Kasama din sa pelikula na Trip Ubusan ang mga Kapuso stars na sina Angelika dela Cruz, Arthur Solinap, Lovely Abella at childstar na si Caprice Cayetano. Bibida rin sa horror/comedy film ang mga dabarkads na sina Ryzza Mae Dizon, Kenneth Medrano, Taki at Miggy Tolentino.

Dinirehe ang pelikula ng former Encantadia director na si Mark Reyes.