Showbiz News

Paano pinaghandaan ni Ruru Madrid ang kanyang first ever runway show?

By Felix Ilaya

Last Saturday (November 18), rumampa ang Kapuso hunk na si Ruru Madrid sa Under the Stars fashion show ng apparel brand na Bench. 

 

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa young actor, inamin niyang nakaramdam siya ng pressure lalo na't siya ang mag-o-open ng fashion show kaya naman naghanda si Ruru ng isang matinding pasabog para sa mga manonood.

Aniya, "Sobrang kinabahan ako, 'di ko in-expect kasi 'di ko naman alam talaga na magta-topless ako sa show, siguro the day before the fashion show sinabi nila sa 'kin na magta-topless ako. 'Di ako naka-diet noon as in wala talaga so nag-crash diet ako, 'di ako kumain, tubig ko 'onti lang. Ayoko naman mapahiya or ma-bash ng mga tao na bakit pa ako sumama doon or bakit pa ako nag-topless kung wala rin akong maipapakita. Nilakasan ko na lang ang loob ko."

Ikinuwento rin ni Ruru ang naging experience niya nang rumampa na siya sa runway.

Wika niya, "Noong naroon na ako sa stage, sobrang in-enjoy ko dahil nagulat ako na ganoon pala ako tatanggapin ng mga tao. Paglabas ko, biglang nagsigawan, so wow, sa MOA Arena sobrang daming tao tapos nagsisigawan sila, hindi ako makapaniwala. And then 'nung tinanggal ko na 'yung top ko, natuwa rin sila."

Masayang-masaya rin ang Kapuso hunk sa positive feedback and comments na kaniyang natanggap mula sa netizens.

"Sinabi nila ako raw 'yung Best in Reveal, 'di raw nila in-expect na ganoon daw 'yung body ko. Pero para sa'kin, walang-wala [ako] compared sa ibang models na naroon. Sobrang nakakatawa dahil wala akong nakitang nam-bash or nanlait sa'kin," dagdag ni Ruru.

Kasalukuyang pinaghahandaan ngayon ni Ruru ang kaniyang panibagong project kung saan makakatrabaho niya sina Gabbi Garcia, Janine Gutierrez, at ang golden retriever na si Serena.