Showbiz News

WATCH: Singer-comedian na si Verna, hindi pa rin nahahanap ang puntod ng ina

By Marah Ruiz

Bago pa man na-discover at naging isa sa mga female co-hosts ng programang Wowowin, minsan na palang napanood sa isang Kapuso show ang singer-comedian na si Verna or Verna Joy Najera.

Sumali na pala siya sa defunct talent search show na Bet ng Bayan noong 2014. Umabot pa siya sa showdown para maging representative ng South Mega Manila pero natalo siya ni Apple Delleva. 

Dito niya unang ibinahagi ang tungkol sa kanyang ina. 

"That time, hindi ko mahanap ang mama ko sa sementeryo. Kasi noong nailibing 'yung mama ko nung 2005, wala siyang lapida. Ginuhitan lang kasi kulang talaga pera namin. Ginuhitan lang namin ng pinsan ko ng 'Zenaida,'" kuwento niya. 

Sa isang sementeryo sa Makati nakalibing ang kanyang ina pero hanggang ngayon, hindi pa rin nila makita ang mismong puntod nito. 

"Kada punta namin dito, lagi lang kaming nanghuhula. Kung saan saan na lang kami nagsisindi, nakikisindi ng puntod. Sabi ko, 'Ma, ikaw na lang mag-adjust. Ikaw na lang lumapit sa 'min total ikaw naman, nakikita mo kami,'" aniya.

Umaasa naman si Verna na makikita rin nila ito at mabibigyan ng mas maayos na lapida. 

"Sana mahanap talaga. Tiwala lang," pagtatapos niya. 

Panoorin ang feature ng Reel Time kay Verna: 

Video courtesy of Reel Time