Showbiz News

READ: Alden Richards, na-food poison pero naka-recover na

By Cherry Sun

Na-food poison si Alden Richards kahapon, November 27, ngunit ibinalita ng kanyang ama na si Richard Faulkerson, Sr. at dabarkad na si Ruby Rodriguez na nasa mabuting kalagayan na siya ngayon.

Ipinaliwanag ni Ruby sa pamamagitan ng kanyang Twitter account kung bakit bigla na lamang nawala ang Pambansang Bae kahapon.

“For everyone asking bakit biglang nagpaalam si @aldenrichards02 kanina sa trip he was na-food poison and had to go for check up. Pasensya po, tao lang, di kinaya ang sakit ng tiyan,” pag-tweet ng dabarkad.

 

Kinagabihan ay nag-post muli si Ruby na nagsasabing maayos na ang pakiramdam ni Alden.

 

Kaninang madaling araw ay nilinaw din ni Daddy Bae na wala na dapat ikabahala sa kalagayan ng kanyang anak.

Aniya, “Sa lahat po ng nagtatanong… Okay naman po si Alden. Maraming salamat po.”