Showbiz News

Paolo Ballesteros at Sinon Loresca, nagbigay ng suporta para kay Maine Mendoza

By Jansen Ramos

Spotted sa premiere night ng ‘Barbi D’ Wonder Beki' kagabi, November 27, ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

Hindi naiwasang hingan ng pahayag ang kapwa Dabarkad nito at bida ng pelikula na si Paolo Ballesteros tungkol sa open-letter nito para sa mga tagahanga.

Pahayag niya, “Alam naman namin kung ano pinagdadaanan niya bilang kasama naman namin s’ya araw araw. Lahat naman tayo ay ‘yun ang gusto sa buhay e, kung sa’n tayo magiging masaya.”

Nakiusap pa ang aktor para sa mga tagahanga ni Maine na maging mahinahon ang mga ito sa pagbibigay ng komento.

“Kasi tayo 'pag nabigyan kasi tayo ng power ng internet, ang dali dali sa’tin magsabi ng mga salita na alam n’yo ‘yun, pero ‘di mo alam ‘yung effect n’un. Tayo, bilang mga tagahanga, medyo relax relax lang din,” paliwanag niya.

Sang-ayon ang aktor sa apela ng Dubsmash Queen at kung siya ang nasa kalagayan nito ay ganito rin ang kanyang gagawin.

Matapos ang pag-post ng three-page open letter ni Maine para sa kanyang mga tagahanga noong linggo, November 26, nag-tweet ito kagabi, November 27, ng negatibong pananaw patungkol dito.

 

Tweet niya, “You are all right. I deserve all the hate in the world because I am such a coward and a selfish little brat. I get it and I understand.”

Tanging suporta ang maibibigay ng Catwalk King na si Sinon Loresca sa kung ano man ang pinagdadaanan ng aktres.

“Maine is ‘di ko lang katrabaho, kaibigan ko na rin siya, so kung ano man ang gusto niya, nasa likod niya lang kami. Lagi kaming nakasuporta sa kanya. Wala tayong magagawa kundi suportahan natin siya.”

Nilinaw naman ng ilang mga tagahanga ni Maine na hindi sila galit sa aktres, bagkus patuloy pa rin nilang susuportahan ito.