Showbiz News

Empress Schuck, bakit sabay nagtatrabaho sa magkaibang network?

By Marah Ruiz

Malayang nakakagawa ng project sa iba't ibang TV networks ang aktres na si Empress Schuck—bagay na ipinagtataka ng ilang mga manonood. 

Paglilinaw niya, hindi siya kasalukuyang nakakontrata sa kahit anong network kaya maaari siyang tumanggap ng proyekto sa kahit alin sa mga ito.


"Since many have been asking, Im a freelance artist. Meaning i can be seen anywhere unless im currently in a Teleserye which im not. I hope you understand and its ok with you," paliwanag niya. 

Mahalaga raw sa kanya na magpatuloy sa pagtatrabaho at tanggapin lahat ng oportunidad na iaalok sa kanya. 

"We're only young once. Grab every chance given to us. I wish that wherever you see me you'll be happy for me. It's nothing personal. Just like all of us, I only want to work and try to give the best that i can. Thank you for listening!" pagtatapos niya. 

Sa kasalukuyan, si Empress and defending champion sa All-Star Videoke at maaari siyang manalo ng isang sasakyan kung madedepensahan niya ang kanyang titulo.