Showbiz News

WATCH: Mika dela Cruz, ibinuking ng 'Meant To Be' co-stars sa 'Tunay Na Buhay'

By Cherry Sun

Ibinuking ng kanyang Meant To Be co-stars si Mika dela Cruz nang i-feature ang aktres sa Tunay Na Buhay.

Sa episode ng Kapuso documentary TV show, unang nagbahagi si Mika kung paano siya nagsimula sa showbiz. Aniya, madalas din daw siya maikumpara sa kanyang kapatid na si Angelika dela Cruz. Gayunpaman, hindi niya ito ikinasasama ng loob dahil ídolo niya ang kanyang ate.

Si Mika ay naging ganap na Kapuso ngayong taon, at ang kanyang unang proyekto ay ang romantic-comedy series na Meant To Be. Kaya naman, in-interview din ng Tunay Na Buhay sina Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner tungkol sa aktres.

Bahagi ni Jak tungkol kay Mika, “Magaling siya. Ako, bilib ako sa kanya. Sobrang hanga ako sa the way kung paano siyang katrabaho, kung ano siya as an actress. Sobrang hands down ako sa kanya. Magaling, magaling si Mika.”

Ang mga bagong Kapuso stars na sina Addy at Ivan ay puro paghanga rin para sa kanya.

Sambit ni Addy, “Sa una akala ko siya ang bida kasi akala ko siya si Barbie (Forteza). No one introduced me to her and I was just like, ‘Huh, I think that’s the lead  girl. So ‘yun ang  first impressin ko. I found her really nice, sobrang friendly siya at mabait na tao.”

Dagdag ni Ivan, “Super iba ang ugali niya kumpara doon sa ginagawa ni Mariko. So nakakatuwa siya dahil pagka-cut ng director namin, bibitawan niya agad. Parang, ‘Ba’t, ba’t ganito si Mariko?’”

Nagkuwento rin ang leading men ng Meant To Be sa natuklasan nila tungkol kay Mika.

Pag-amin ni Ivan, “Sabi ko, ‘Nako, magiging crush ko ‘to.’ Pero nung kumakain na siya, parang, ‘Ah, hindi ko na kaya.’”

“Nung kumain kami sabay-sabay, mas marami pa ‘yung kain [niya] sa amin nila Addy. ‘Huy,’ sa loob-loob namin. Grabe. Kung mag-rice siya dalawa, tapos maya’t maya meriend niya may rice,” natatawang pahayag naman ni Jak.

Panoorin ang panayam kay Mika dito: