
Nag-grand opening na ang bagong food business ni Aiai delas Alas.
Nangyari ang bonggang pabubukas ng Ai Sarap Express nitong Sabado, December 2.
Ayon kay Aiai, alay niya ang kanyang negosyo sa kanyang mga anak.
Aniya, “Lahat ay gagawin ko umunlad lang ito para sa inyo .. sisipagan ko at pag ka dami daming dasal ... thank you sa mga pumunta at pupunta pa .. AI SARAP !!! @aisarapexpress @sanchovito @sophdelasalas @_sethandrei.”