Showbiz News

Ruru Madrid, malaki ang pasasalamat sa tuloy-tuloy na projects this 2017

By Felix Ilaya

Masayang-masaya si Ruru Madrid kasama ang mga Rurunatics sa kaniyang birthday event at fan meet sa Cave, Tomas Morato.

Dito, nakipagkulitan ang Kapuso actor sa kaniyang mga fans at inalayan pa nga sila ni Ruru ng kanta, ang "Beautiful in My Eyes" ni Joshua Kadison.

WATCH: Ruru Madrid sings "Beautiful in My Eyes" by Joshua Kadison

Sa simula ng event ay nagpasalamat si Ruru sa mga dumalo ng kaniyang party.


"Nagpapasalamat ako sa Artist Center, sa mga Rurunatics na nandito ngayon, alam n'yo kung gaano ko kayo kamahal," wika niya.

Ngayong 2017, umarangkada ang acting career ni Ruru at bumida pa nga siya sa dalawang primetime shows. Inamin niya sa isang interview na sunod-sunod daw ang dating ng biyaya sa kaniya.

Aniya, "This year, sobrang grabe 'yung blessings na natatanggap ko, una sa lahat natapos ang Encantadia tapos pumasok ako sa Alyas Robin Hood tapos binigay pa sa 'kin 'yung Best Drama Actor ng PMPC (PMPC Star Awards for Television)."

Maliban sa mga TV appearances, rumampa rin si Ruru sa Bench Under The Stars fashion show at mapapanood din siya sa Metro Manila Film Festival entry ngayong taon na Meant To Beh.

For next year, mayroon nang nakapilang projects para kay Ruru gaya na lang ng kaniyang upcoming series kung saan makakasama niya sina Gabbi Garcia at Janine Gutierrez.